Ano ang Alamat at Halimbawa ng Alamat

Ang Pilipinas ay maraming alamat na puno ng aral at impormasyon para sa lahat. Alamin natin kung ano nga ba talaga ang ang kahulugan nito, mga elemento, uri, bahagi, at listahan ng mga halimbawa ng alamat.

Table of Contents


Ano ang Alamat?

Ang alamat ay isang uri ng panitakan o kuwentong bayan. Tinatawag ito na folklore o legend sa wikang Ingles. Ang mga alamat ay nanggaling pa sa ating mga ninuno at ginagamit upang isalaysay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay tulad ng ngalan, bagay, pook, tao, halaman, pangyayari, o hayop sa bansa. Nagsasalamin ito ng kulturang Pilipino at kinapupulutan ng maraming aral. Ito ay isang pagsasalaysay na kumalat mula sa paglipat-lipat sa bibig ng mga tao.


Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat o Kasaysayan ng Alamat

Ang elementong ito ay tumutukoy sa mga gumanap sa kwento at ang mga ginampanan nila.Sa kasaysayan ng mga alamat sa Pilipinas, makikita ang pagkakaroon ng dalawang mukha nito bunga ng pagbabagong anyo mula sa panahon ng mga katutubo at panahon ng impluwensiya ng kulturang Kastila.

Ang tema at nilalaman ng mga alamat noong panahong bago dumating ang impluwensiya ng kultalamaturang dayuhan ay umiikot sa paniniwala sa mga bathala, anito at mga ispiritong supernatural. Nang dumating ang mga Kastila, nagbago ang tema at nilalaman ng mga alamat. Ito ay nakatutok na sa mga karaniwang karanasan at pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ang mga tauhang gumaganap ay kumakatawan sa mga makatotohanang pangyayari sa lipunang ginagalawan ng mga tao nang panahong iyon.

Isa sa mga karunungan ng ating mga ninuno, na karaniwang tinatawag na mga Ita, Negrito, Baluga, o Aetas, ang mga alamat. Ito ay bumabalik noon pa mang 1300 AD. Nakalikha sila ng mga alamat dahil sa kanilang pag lilipat lugar sa Asya at dahil sa kakulangan sa panunulat, sining, at siyensa, ang mga alamat ay napalaganap mula sa lipat-dila lamang.

Matapos ang 4,000 taon ay dumating naman ang mga Indones sa ating mga lupain. Nagdala sila ng panibagong sistema sa pamahalaan, sining, siyensya, at relihiyong pagano. Nalaman nila ang mga sinaunang alamat ng ating mga ninuno na tumutukoy sa mga anito, santo, santa, kay bathala at sa Lumikha.

Ang mga Malay ang sumunod na naging dayuhan sa bansa at kagaya ng mga Indones ay mayroon silang paganong pananampalataya. Bukod sa sarili nilang mga alamat ay tinuruan nila ang ating mga ninuno ng alpabeto na kilala bilang Alibata o Alifbata. Ito ang nagsilbing paraan upang maisulat ng ating mga ninuno ang mga kauna-unahang alamat sa bansa gamit ang mga dahon, kahoy, o bato na dati ay naipapakalat lamang nila mula sa salita.

Sumunod na naging dayuhan ang Intsik, Bumbay, Arabe, at Persyano sa ating mga lupain na nakapag ambag sa mabilisang paglago ng mga alamat at karunungan sa bansa. Isa sa mga pinakamalaking impluwensya na nandayuhan sa bansa ay ang mga Espanyol na kumolonya sa atin. Sila ang nagpalaganap ng Kristyanismo at dahil dito ay ipinautos ng mga prayle ang pagsunog sa mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno na karamihan ay tungkol kay bathala. Subalit nanatili pa rin ang mga alamat sa pamamagitan ng pagsalin-salin sa bibig ng mga tao na patuloy na ipanapamana sa mga kabataan.


Elemento ng Alamat

Ang alamat ay binubuo ng pitong elemento ayon sa mga sumusunod:

  1. Tauhan
  2. Ang elementong ito ay tumutukoy sa mga gumanap sa kwento at ang mga ginampanan nila.

  3. Tagpuan
  4. Naglalarawan naman ang elementong ito sa panahon ng pangyayari at mga lugar kung saan nangyari ang akyson o insidente.

  5. Saglit na kasiglahan
  6. Ito ang pagtatagpo o pagkikita ng mga tauhan na kasali sa alamat.

  7. Tunggalian
  8. Ito ang pagsasaad ng kapalaran ng mga tauhan na kalabanin ang kanilang haharapin na problema na maaring maging tao, kalikasan, hayop, pangyayari, at sarili.

  9. Kasukdulan
  10. Ang elementong ito naman ang nagsasaad kung paano nakuha ng tauhan ang kanyang kagustuhan o naresolba ang kanyang kinakaharap na problema.

  11. Kakalasan
  12. Ito ang nagsasalaysay ng pagkahina ng takbo ng kwento pagkatapos ng elementong kasukdulan.

  13. Katapusan
  14. Ang elementong ito ay nagpapahayag ng resolusyon ng kwento, maaari itong maging masaya o malungkot at ang mga tauhan ay maaaring magwagi o matalo.


Bahagi ng Alamat o Banghay ng Alamat

Ang tatlong bahagi ng Alamat ay ang Simula, Gitna, at Wakas. Tukuyin natin ang bawat isa.

  1. Simula
  2. Sa simula ng alamat ipinapakilala ang mga magiging tauhan ng kwento. Dito inilalathala kung sino ang gaganap at ano ang kanilang gagampanan na papel. Maisasali rin ang tagpuan at panahon ng pangyayari ng insidente sa simulang bahagi.

  3. Gitna
  4. Sa gitna naibibilang ang kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan ng kwento. Sa gitna matatagpuan ang mga aksyon na bumubuo sa alamat. Narito ang kasiglahan kung saan mahahanap kung pano magtatagpo ang mga tauhan. Kasama dito ang tunggalian kung saan makikita kung pano makipagsapalaran ang mga tauhan. Hindi rin dito mawawala ang kasukdulan kung saan malalaman kung nagtagumpay ba ang tauhan o nasawi.

  5. Wakas
  6. Ang pinakahuling bahagi ay ang wakas kung saan matatagpuan ang kakalasan at katapusan ng alamat.


Uri ng Alamat

Ang pinakahuling bahagi ay ang wakas kung saan matatagpuan ang kakalasan at katapusan ng alamat.

  1. Alamat ng Pook
  2. Ang alamat na ito ay ang nagsasaad kung saan nagmula ang isang lugar.
    Ang ilan sa mga halimbawa ng Alamat ng Pook ay ang Alamat ng Cavite, Alamat ng Laguna, at Alamat ng Makati.

  3. Ang Alamat ng Pangyayari
  4. Ang alamat na ito ay nagsasaad naman kung saan nagmula ang mga importanteng okasyon.
    Isang halimbawa ay ang Alamat ng Pista.

  5. Alamat ng Bagay
  6. Ang alamat na ito ay tumutukoy naman kung saan nagmula ang mga bagay sa mundo at paligid. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Alamat ng Rosas, Alamat ng Bahaghari, at Alamat ng Bayabas.


Katangian ng Alamat

Ang alamat ay mayroong limang katangian:

  • Gawang isip lamang o galing sa imahinasyon
  • Mga eksena o pangyayari na hindi magaganap sa totoong buhay
  • Nababalot sa hiwaga at puno ng pakikipag-sapalaran
  • Nagpapakita ng kultura at kaugalian ng mga tao sa pinagmulan nito
  • Maraming aral na mapupulot


Halimbawa ng Alamat sa Pilipinas

Basahin ang mga halimbawa ng alamat na bumubuo sa kultura, pagkatao, at paniniwala ng mga Pilipino:

Leave a Comment