Income Report for August 2019

Ito ang unang income report na gagawin ko para sa Pesocademy.

Sinimulan ko ang Pesocademy noong September 2017 pero napabayaan ko dahil nainip ako na makuha agad yung gusto ko.

Ngayon ay nagsisisi ako dahil dapat pala ay nag tyaga ako na magsulat para ngayon ay marami nang post ang blog na ito.

Sa dalawang taon ay wala pa sa 20 blog posts ang naipublish ko.

Pero kahit ganon, may mga blog post pa rin naman na hindi ko inaasahan na mag rarank sa first page ng Google, at itong mga posts na ito ang bumubuhay sa blog na ito at sa pangarap ko na mas palaguin pa ang Pesocademy.

Income:
Advertising: $149.70

Expenses:
Hosting: $24.99
Domain Renewal: $8.99
WordPress Theme: $49.99

Income – Expenses: $65.73

Sa tingin ko next month ay baka hindi ko pa maabot ang payment threshold ulit ni Google na $100+ kaya baka sa mga susunod na buwan pa ulit ako makapag post ng income report (na sana ay mas malaki na kesa dito).

Salamat sa lahat ng magbabasa nito at sana ay ma-inspire kayo na mag blog din.

Totoo na may pera sa internet, sa online, sa pagba-blog, at kung paghihirapan at pagtyatyagaan ay pwede tayong kumitang lahat.

Next goal ko ay makaabot ng $200 monthly income.

Sa susunod muli na income report 🙂

Leave a Comment